Lalaki arestado matapos i-blackmail ang dating kasintahan

210

Pateros, Philippines – Arestado ang isang lalaking nangikil ng P2, 000.00 sa kanyang dating kasintahan kapalit ng pagbubura sa mga ikinalat nitong hubad na larawan ng babae.
Kinilala ang suspek na si Jeff Beck San Agustin na gumawa pa ng dummy account sa social media gamit ang pangalan ng kanyang ex-girlfriend na kinilala lamang sa alyas na “Janine.”
Mismong ang suspek ang siyang nakipag-transaksiyon sa biktima kung saan hindi na nakapalag pa ang lalaki ng mahuli sa operasyon na ikinasa sa Pateros.
Umamin naman ang suspek na siya ay nakaranas ng depresyon nang hiwalayan ng dating nobya kung kaya’t nagawa niya itong takutin at hingan ng pera.

Facebook Comments