Lalaki, arestado matapos mahulihan ng shabu

142

Manila, Philippines – Arestado ang isang lasing na lalaki matapos makumpiskahan ng ilang sachet ng shabu at pekeng id sa Araneta Avenue, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Neil Elizaga, 48 anyos, residente ng Caloocan City.

Ayon sa report, inireklamo ng kanyang mga kapitbahay si Elizaga dahil sa sobrang kalasingan at panggugulo sa lugar.


Sa pagresponde ng mga pulis, nakuha sa suspek ang pekeng id ng PNP kung saan gamit niya ang pangalang PO3 Neil Del Mundo at tatlong sachet ng shabu.

Dahil sa sobrang kalasingan, hindi makausap ng matino si Elizaga.

Facebook Comments