LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAMUKPOK NG BATO SA ULO ANG ISA PANG LALAKI SA ANDA

Arestado ang isang 19 anyos na lalaki matapos umanong mamukpok ng bato sa ulo ng isa pang lalaki, noong madaling araw ng Sabado sa Congo St. sa Anda, Pangasinan.

Ayon sa lalaking biktima, pasakay na sana umano ito ng kanyang motorsiklo nang biglang lumapit ang biktima at pinukpok siya sa ulo gamit ang bato.

Naisugod agad ang biktima sa pagamutan habang tumakas naman ang suspek matapos ang insidente.

Kalaunan, natunton ng mga kapulisan ang suspek at narekober din ang batong ginamit nito.

Kasakukuyang nakapiit ang suspek sa himpilan ng pulisya habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa rito.

Patuloy pang iniimbestigahan ng kapulisan ang motibo ng suspek sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments