Lalaki, Arestado Sa Buy-bust Operation!

Naguilian, Isabela- Timbog ang isang lalaki matapos mahuling nagbebenta ng iligal na droga sa Barangay San Manuel, Naguilian, Isabela kamakailan.

Sa pagtutulungan ng PDEA at PNP Nagulian, nahuli ang suspek na kinilalang si Erwin Bangug, 40 anyos, walang asawa at residente ng Barangay Quezon, Naguilian.

Sa ibinahaging impormasyon ni COP Francisco Dayag, nahuli umano sa akto ang suspek matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na bibili.


Nakumpiska mula kay Bangug ang isang plastic sachet ng shabu at isang libong piso na buy bust money.

Nasa kustodiya na ng PNP ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Tags: Luzon, Cauayan, Isabela, RMN Cauayan, DWKD 98.5, Naguilian PNP, COP Francisco Dayag

Facebook Comments