Lalaki, arestado sa Quezon City matapos mangmolestiya ng menor de edad

Haharap sa kasong Simple Seduction at paglabag sa R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse Exploitation and Discrimination Act, ang isang lalaki matapos mangmolestiya ng menor de edad.

Ang suspek na nangmolestiya ng 16-anyos na dalagita sa No. 18 M. Miller Compound, Brgy. Bungad, Quezon City ay kinilalang si Christian Dave Galano, 20 years old at residente ng Mabini St., Brgy. Barihan, Malolos City, Bulacan.

Ayon kay Police Lt. Col. Resty Damaso, Station Commander ng Police Station 2 ng Masambong Police Station sa Quezon City, naaktuhan daw mismo ng tiyahin ng biktima ang suspek na nasa kuwarto ito ng menor de edad na walang pang-itaas na suot.


Agad umanong ipinagbigay alam ng tiyahin ang pangyayari sa ina ng biktima at nang kanilang tignan ang katawan ng dalagita ay dito nila nakita ang kiss mark sa kanyang dibdib.

Dahil dito ay agad humingi ng tulong ang pamilya ng biktima sa Police Station 2 at agad namang nahuli ang suspek, habang dinala ang biktima sa Forensic Group, Camp Crame, Quezon City para sa medical examination at dito lumabas na nagkaroon ng sexual intercourse ang biktima sa suspek.

Facebook Comments