Lalaki, Binaril sa Tenga ng Kainuman Matapos Hindi Magbayad ng ‘Bills’

215

*Cauayan City, Isabela*- Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng kanyang kainuman sa isang videoke bar sa Brgy. Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya kaninang ala una ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Alvin Sanoryes, 31 anyos na residente ng Brgy.Tuao North habang kinilala ang suspek na si Bonnie ng Bambang Nueva, Vizcaya


Batay sa imbestigasyon ng PNP Bagabag, lumalabas na habang nag iinuman ang biktima at mga kaibigan nito sa isang videoke bar ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek kaugnay sa bayarin ng nagastos sa inuman at ilang sandali pa ay sumakay ng motorsiklo ang biktima at iba pang mga kaibigan nito at pinagbabaril ang behikulo ng makailang beses.

Sinundan agad ng suspek ang biktima sa kanilang tahanan at pinagbabaril ito na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng tenga nito na agad isinugod sa pagamutan.

Agad namang tumakas ang suspek sa di matukoy na direksyon makaraan ang pamamaril.

Sa ngayon ay nagsagawa na ng hot pursuit operation ang mga alagad ng batas para sa ikadarakip ng suspek.

Facebook Comments

From Advertisers