Lalaki huli sa illegal drug operation sa bayan ng Makilala sa North Cotabato

Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang 36 anyos na lalaki dahil sa pag iingat ng illegal na droga sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng Cotabato . Kinilala ang nahuling suspect na si Journey Malasa Lu alias Palang , binata res ng New Bulatukan sa bayan ng Makilala.
Siyay hinuli ng pinagsanib na pwersa ng PDEA North Cotabato at Makilala Drug Enforcement Unit kamakalawa. Nahuli ang suspect na nagbebenta ng isang heat-sealed transparent sachet na pinaniniwalaang shabu
Narecover din sa kanyang posesyon ang 500- pesos marked money.
Naharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang nasabing suspek na kasalukuyang nakakostodi sa Makilala Pnp .(Amer Sinsuat)

Facebook Comments