Lalaki, Huli sa kasong Illegal Logging!

*San Pablo, Isabela- *Arestado ang isang lalaki na wanted sa batas matapos silbihan ng warrant of arrest sa Brgy. Dalena, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Rolly Bernaga, 30 anyos, at residente ng Brgy. Dalena, San Pablo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, hinuli si Bernaga dahil sa kasong paglabag sa RA 705 sa bisa ng warrant of arrest na inihain ni judge Felipe Jesus Torio ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela.


May inirekomendang piyansa ang korte na P40,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ni Bernaga.

Dinala na sa himpilan ng San Pablo Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments