Lalaki, Inaresto dahil sa Pagiging Arogante ng Sitahin sa CheckPoint

*Cauayan City, Isabela*- Sinampahan na ng kasong *‘Disobedience to Upon Agent in Authority*’ ang isang lalaki matapos maging arogante nang sitahin ng mga nakatalagang pulis sa isinagawang Oplan Sita checkpoint bandang 11:00 kagabi (December 22,2019) sa Bayan ng Burgos, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Gilbert Domingo, 52 anyos, may asawa at residente ng Brgy. San Mateo, Quirino, Isabela.

Ayon sa naging imbestigasyon ni PSMS Alvin Lopez, Imbestigador ng PNP Burgos, lumalabas na habang lulan ang suspek ng kanyang motorsiklo at masita sa isang checkpoint ay naging arogante na ito at kung ano-ano ng pinagsasabi sa mga miyembro ng kapulisan.


Napag alaman din na lango sa nakalalasing na inumin ang suspek nang mangyari ang insidente habang nakitaan din ng paglabag ang suspek dahil saw ala itong safety gear o helmet.

Kaninang umaga, sinubukan pang humingi ng tawad ang suspek sa kapulisan pero huli na dahil naifile na ang kaso laban dito.

Labis naman umano ang pagsisisi ng suspek ng magawa niya ang insidente.

Facebook Comments