Lalaki, inakusahan ng panghahalay sa higit 300 mga bata sa Indonesia

(Depositphotos)

JAKARTA, Indonesia – Maaaring maharap sa parusang kamatayan ang isang 65-anyos na lalaki mula France dahil sa reklamong panghahalay sa mahigit 300 mga bata.

Natunton ang suspek na si Francois Camille Abello noong nakaraang buwan sa isang hotel sa Jakarta, kasama ang dalawang menor de edad na babae.

Sa report ng awtoridad noong Huwebes, posibleng life in prison o execution by firing squad ang mapataw kay Abello sakaling mapatunayang may sala laban sa child protection law sa Indonesia.


May mga lumalabas pang akusasyon na kinukuhanan niya ng video ang ginagawang panghahalay sa mga biktima.

Sinasaktan niya rin umano ang mga batang tumatangging makipagtalik sa kanya.

Nasamsam din ang isang laptop na puno ng video ni Abello habang isinasagawa ang krimen sa daan-daang batang nasa edad 10-17.

Saad ni Jakarta police chief Nana Sudjana, kakausapin ng suspek ang mga paslit at aaluking magtrabaho bilang models.

Babayaran niya ng nasa 250,000 and one million rupiah ($17-70) ang mga sasang-ayon makipag-sex habang sampal, bugbog at paninipa naman ang matatanggap ng sinumang tatanggi.

Naniniwala ang Indonesia police na ilang taon nang isinasagawa ni Abello ang krimen at maaaaring dumami pa ang kanyang mabibiktima.

Ayon sa tala ng global anti-trafficking network ECPAT International, umaabot sa 70,000 mga bata ang nabibikitima ng sexual exploitation kada taon sa Indonesia.

Facebook Comments