Lalaki na Kabilang sa Drug List ni Pangulong Duterte, Timbog sa Buy Bust!

*ISABELA- *Bagsak na sa kulungan ang isang lalaki na kabilang sa drug list ni Pangulong Duterte matapos mahulog sa inilatag na Buy Bust Operation ng mga otoridad sa Brgy. Calabayan Minanga, Angadanan, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si John Philip Barroga, 21 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Dubinan East, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, pasado alas otso kagabi nang isagawa ang Drug buy bust operation laban kay Barroga sa pangunguna ni Police Captain Ardee Tion, hepe ng PNP Angadanan katuwang ang PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto nito.


Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at dalawang piraso ng tig-limang daang piso.

Dinala na sa Angadanan Police Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments