Lalaki na Nalunod sa Tuguegarao City, Patuloy na Pinaghahanap

Cauayan City, Isabela- Pinaghahanap pa rin ng mga otoridad sa kasalukuyan ang isang lalaki na nalunod sa umapaw na ilog-Cagayan sa bahagi ng Barangay Cataggaman Viejo sa Lungsod ng Tuguegarao.

Nagsanib pwersa na ang Rescue 1111 at Philippine Coast Guard para sa Search and Retrieval Operation kay Reymund Maraggun, 25 taong gulang, walang asawa, construction worker, at residente ng Zone 1 Atal Street, Cataggaman Viejo, Tuguegarao City, Cagayan.

Una rito, batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Tuguegarao City, isang Jocel Faye Bunagan ang nakakita sa biktima na nagtungo ito sa ilog upang maligo at hinihinalang siya ay nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.


Makalipas ang ilang sandali ay nagpapasaklolo na ang biktima kay Bunagan habang siya ay tinatangay ng malakas na agos ng tubig.

Agad namang humingi ng tulong si Bunagan ngunit nang dumating ang ilang residente sa lugar para sa pag-rescue ay hindi na nakita ang katawan ni Maraggun na pinaniniwalaang tuluyang nalunod.

Sa kasalukuyan, kasama na ang pamilya ng biktima at mga opisyal ng barangay sa pagsasagawa ng search and retrieval operation sa biktima.

Matatandaang muling binaha ang ilang bahagi ng Cagayan dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

Facebook Comments