Lalaki na Nasangkot sa Kasong Robbery with Homicide, Patay sa Pamamaril!

Cauayan City, Isabela – Tig isang tama ng bala ng Caliber 45 sa dibdib at likod ang kumitil sa buhay ng isang magsasaka sa bayan ng Angadanan, Isabela.

Sa imbestigasyon ng PNP Angadanan, kinilala ang biktima na si Rodel Valdez  at residente brgy. Bannawag ng naturang bayan.

Sa naging pagpapahayag ng hepe ng Angadanan na si PCapt Francis Pattad, nangyari ang pamamaril sa pataas na bahagi ng daan malapit sa isang tulay sa brgy. Lourdes, Angadanan, Isabela.


Maaaring nakatakbo pa umano si Valdez dahil nasa 100 metro ang layo ng bangkay nito mula mismo sa minanehong motorsiklo.

Lumabas pa sa imbestigasyon, galing sa bayan si Valdez kasama mga kaibigan nitong sina Nestor at Manuel Gauat na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Sinabi ng mga itong nakarinig sila ng mga putok ng baril ngunit nakalayo na sila.

Dahil dito, bumalik ang dalawa ngunit wala silang nakitang tumakbo o nakasalubong nang balikan nila ang kasamahan.

Dagdag pa ni Pattad na ang pagkakasangkot ng biktima sa kasong robbery with homicide noon pang 2016 ang isa sa ikinukonsidera nilang anggulo sa pagpatay.

Na dismiss umano ang kasong ito ngunit nakakulong ang ilan sa mga sinasabing dating kasamahan nito.

Facebook Comments