Lalaki na Patient-under-Investigation, Binawian ng Buhay nang wala pang resulta ang COVID-19 Test

*Cauayan City, Isabela*- Binawian ng buhay ang isang 68 anyos gulang na lalaki na Patient under- Investigation sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City kahapon, March 23, 2020 dahil nakaramdam ito ng ilang sintomas gaya ng Severe acute respiratory infection at lagnat.

Batay sa opisyal na pahayag ng City Government ng Santiago, ang nasabing pasyente ay sumailalim sa dialysis nitong March 20 dahil sa Chronic Kidney Disease sa isang pribadong ospital sa lungsod hanggang sa inilipat ito sa  sa Southern Isabela Medical Center.

Pasado 11:50 kahapon ng umaga ng tuluyan ng bumigay ang katawan ng nasabing pasyente.


Bilang tugon sa kautusan ng Department of Health, ang labi ng pasyente ay ibinurol lamang sa loob ng 12 oras at agad din na inilibing sa San Jose Public Cemetery.

Matatandaang binawian din ng buhay ang isang 59 anyos na ginang mula sa Bayan ng Tumauini, Isabela makaraang makaranas ng parehong sintomas.

Sa ngayon ay hinihintay pa rin ang resulta  ng swab sample  mula sa pasyente para matukoy kung ito ba ay may kinalaman sa sakit na COVID-19.

Facebook Comments