Lalaki na Wanted sa Batas, Huli!

*Ilagan City, Isabela- *Inaresto ang isang lalaki sa Brgy. Centro San Antonio, Ilagan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.

Kinilala ang akusado na si Rodolfo Bolar, 58 anyos, may asawa, at residente rin sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Ilagan City Police Station, dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Andrew U. Barcena ng Regional Trial Court Branch 17, 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela.


Pansamantala umanong makakalaya ang nasabing akusado kung siya’y makakapaglagak ng halagang P40,000 pesos.

Dinala na sa Ilagan CPS ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments