Lalaki, nagulungan ng truck

Caloocan – Sugatan ang isang lalaki matapos magulungan ng truck sa Camarin Road, North Caloocan.
Sa ulat, bibili lang ng yelo ang biktima na si Rommel Cabalsote nang sumabit ang damit sa gilid ng truck.
Nahatak ang biktima ng truck kung saan pumailalim ito hanggang sa pumailalim sa gulong.
Napahinto ng mga residente ang driver ng truck pero nanatili ang biktima sa pagitan ng dalawang ng gulong kaya’t kinailangan pa nilang gumamit ng jack para maiangat ito at tuluyang mai-alis.
Kasalukuyang nasa Tala General Hospital ang biktima habang kusa naman sumuko ang driver ng truck na si Leo Inapusong.

Facebook Comments