24 anyos na lalaki, patay nang saksakin ng kanyang bayaw matapos tangkaing gahasain ang asawa ng suspek

General Santos City – Binawian ng buhay ang 24 years old na si Rennie Calayon, laborer sa at residente ng Tupi, South Cotabato matapos itong saksakin ng kanyang bayaw na si Abdul Dalusay Malatabon, 32, residente ng Maitum, Sarangani Province.

Nangyari ang pananaksak sa loob mismo ng Lorenzo Stock Farm sa Park Matatag, Barangay Baluan nitong lunsod matapos tinangkang gahasain ng biktima ang asawa nang suspek ala 1:00 ng madaling araw.

Sa initial investigation ng police station 3, galing ng trabaho ang suspek at pagdating nito sa kanilang tinutuluyan narinig nito ang kanyang asawa na umiiyak, doon na nito binuksan ang pinto nga kanilang silid at nakita nito na nakahubad na ang kanyang asawa habang tinalian ng tela ang kanyang bibig.


Tumakbo ang biktima nang siya ay makita pero kanya itong naabutan at doon na sinaksak na naging dahilan ng kamatayan nito.

Agad na tumakas ang suspek pero agad namang sumuko sa kanilang barangay official sa bayan ng Maitum.
DZXL558

Facebook Comments