Nahulihan ng hindi lisensyadong baril ang isang lalaki sa isinagawang search warrant operation sa Brgy. Carael, Dagupan City kahapon, Marso 5, 2026.
Ayon sa Dagupan City Police Office, isinilbi sa suspek ang search warrant para sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Narekober sa operasyon ang isang kalibre .45 na baril, isang magazine, tatlong bala ng kalibre .45, at limang bala ng kalibre .38.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Patuloy naman ang kampanya ng kapulisan laban sa mga iligal na baril sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments





