
Matagumpay na nahuli ng Parañaque City Police Station ang 38-anyos na lalaking may bitbit na hindi lisensiyadong handgun.
Ang suspek ay kinilalang si “Bilmar,” na residente ng Barangay Don Bosco at nahuli sa MCM Compound, Doña Soledad Extension sa Barangay Don Bosco, Parañaque City.
Nakuha sa suspek ang isang kalibre 22 na baril na may limang round na bala.
Agad namang dinala sa Investigation and Detective Management Section ang suspek para sa paghahain ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Facebook Comments










