WASHINGTON, USA – Haharap sa 15 taong pagkakakulong ang isang lalaki matapos mapatunayang guilty sa child abuse nang mahuli ng kapwa pasahero sa eroplano ang planong panggagahasa sa 2 bata.
Sa inilabas ng pahayag ng US Attorney’s Office sa Washington Western District, naaktuhan ng hindi pinangalanang pasahero si Michael Kellar, 52, habang nakikipag-palitan ng mensahe sa nobyang si Gail Lynn Burnworth, 52 na noo’y nakaupo raw sa kanyang unahan.
Agad na ipinagbigay-alam ng naturang pasahero ang nasaksihan sa flight attendants ng eroplano na noo’y byahe patungong San Jose.
Mabilis niyang nabasa ang mensahe tungkol sa pang-aabuso dahil malalaki raw ang sulat ng telepono.
Nakasaad umano sa text messages na pinag-uusapan ng dalawa ang drogang “Benadryl” na gagamitin daw para halayin ang mga batang edad 5 at 7 na naninirahan sa Burnworth.
Agad namang nakatawag ng tulong sa awtoridad ang staff ng eroplano kaya mabilis na inaresto si Kellar.
Ipinataw sa dalawang suspek ang “conspirancy to produce child pornography and access with intent to view child pornography” ayon sa pahayag.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni US Attorney Brian Moran dahil sa ginawa ng pasahero.
Aniya, “We all have had that moment when we question, do I get involved?”
Sabi naman ni US District Judge Ronald Leighton na humawak ng kaso, “This case for me, has been the most disturbing case that I have had.”