Manila, Philippines – Inireklamo ang isang lalaki matapos mambastos sa isang dalaga sa Kalibo, Aklan.
Ayon sa 21-anyos na babae, biglang dumating ang hindi kilalang lalaki sa kanyang pinagtatrabahuhang ticketing office at tumabi ito sa kanya.
Sinabihan siya ng suspek na makiki-upo muna dahil napagod ang kanyang ari dahil sa walang nakitang makakalampungan.
Dahil sa takot, isinumbong ng dalaga ito sa pulis pero hindi na naabutan ang suspek.
Facebook Comments