Sumiklab ang isang sunog sa isang bahay sa Brgy. Malibong, Mangatarem, Pangasinan na nag-iwan ng kaswalidad.
Mabilis na tinupok ng apoy ang nasabing bamboo house habang natagpuan sa loob ang katawan ng lalaking wala ng buhay at nasunog din.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang 35 anyos na biktima ay dumaranas ng mental illness kung saan ilang beses sa mental health facilities upang matugunan ang karamdaman nito.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Mangatarem PS Chief of Police PMaj. Arturo Melchor Jr., napag-alaman na naninigarilyo ang biktima.
Ani Melchor, mayroon ding nakitang butane na isa rin sa posibleng pinagmulan ng sunog.
Samantala, paalala ng awtoridad sa publiko na maging mapagmatyag at maingat sa pwedeng pagmulan ng sunog upang maiwasan ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








