Lalaki, Patay matapos Barilin ng Dalawang beses sa kanyang Dibdib

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang isang lalaki matapos barilin sa kanyang dibdib ng dalawang beses bandang 6:00 ngayong gabi sa Brgy. Zone 2, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Marfelino Marimla, 29 anyos, walang asawa at residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP San Mariano, habang nag iinuman ang biktima at mga kasamahan nito sa bahay ng nagngangalang Danny Pauig ay bigla nalang dumating ang suspek at agad na binaril ang biktima sa kanyang dibdib habang agad na tumakas ang suspek sa di pa matukoy na direksyon matapos ang pamamaril.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, posibleng personal na galit ang isang motibo sa pagpatay sa biktima.

Idineklara namang dead on arrival ang biktima matapos isugod sa isang pagamutan sa nasabing bayan.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa nangyaring pamamaril.

Facebook Comments