Lalaki, patay matapos magtangkang tumakas sa police checkpoint sa Parañaque City

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki na hinihinalang tulak ng droga matapos magtangkang tumakas sa police checkpoint sa Parañaque City.

Ayon sa mga otoridad, kinilala nila ang suspek sa alyas na “Macky”.

Nakipaghabulan at nagkipagpalitan ng putok ng baril ang suspek sa mga otoridad hanggang sa kahabaan ng C-5 Extension, Brgy. San Dionisio ngunit doon na rin siya nakitang nakabulagta matapos mabaril sa ulo.


Narekober sa nasawing suspek ang 13 sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre 38 baril.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung saan konektado ang suspek sa naturang lugar.
DZXL558

Facebook Comments