Driver ng isang SUV at sakay nito, patay matapos sumalpok sa isang boom truck

Manila, Philippines – Patay ang driver ng isang SUV at sakay nito, matapos itong sumalpok sa isang boom truck na nakaparada sa kahabaan ng Apali, North Luzon Expressway.
Kinilala nila ang driver na si Marero habang ang isa namang sakay nito ay kinilalang si Alfredo Tolentino.
Ayon kay S/Inspector Danilo Fernandez, nakikitang nilang rason sa salpukan ay ang kawalan ng early warning device sa kabahaan ng nlex kung kaya’t hindi napansin ng driver ng suv ang nakaparadang boom truck doon .
Depensa ng driver ng truck, sarado ang kalsada na kanilang pinagparadahan kaya’t imposibleng hindi ito napansin ng driver ng SUV.
Sa ngayon ay ini-imbestigahan pa rin ng pulisya kung totoong may pagkukulang ang mga nagtatrabaho sa NLEX sa paglalagay ng warning signs sa naturang kakalsadahan.
DZXL558

Facebook Comments