Lalaki, Patay matapos masagasaan ng Pulis!

217

*San Mariano, Isa**bela- *Patay ang isang binata na sakay ng tricycle matapos mabangga ng kasalubong na sasakyan kahapon sa Brgy, Zone 3, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Richmond Gonzales, 20 anyos, binata, residente ng Brgy. Disulap, San Mariano, Isabela habang ang suspek at driver ng Mitsubishi Pajero ay si PO2 Jack Tristan Viernes, 32 anyos, kasapi ng PNP San Mariano at residente ng Zone 3, San Mariano, Isabela.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Fedimer Quitives, hepe ng PNP San Mariano, magkasalungat na binabaybay ng dalawang behikulo ang pakurbang lansangan nang biglang kumabig sa dating linya ang tsuper ng tricycle matapos mag-overtake sa sinusundang sasakyan.

Dahil dito ay nahulog mula sa likurang bahagi ng tricycle driver ang sakay na biktima sanhi ng pagkakabangga nito sa kasalubong na sasakyan.

Isinugod pa sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit idineklara din itong dead on arrival (DOA).

Nasa kustodiya na ng PNP San Mariano ang pulis na kusang sumuko at hinihintay pa lamang ang magiging usapan ng suspek sa pamilya ng biktima.

Samantala, iimbestigahan rin ng pulisya ang driver ng tricycle na kamag-anak rin ng biktima kaugnay sa pagkakahulog mula sa tricycle at pagkakasagasa ni Richmond Gonzales.

Facebook Comments

From Advertisers