PRRD, hindi nabilib sa resulta ng senatorial survey

759

Manila, Philippines – Minaliit lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) para sa 2019 Senatorial candidates.

Matatandaang lumabas kasi sa survey ay nanguna sina Senadora Cynthia Villar, Grace Poe, Nancy Binay at iba pang mga dati nang naging senador.

Ayon kay Pangulong Duterte, kaysa sa mga nangunguna ay mas pipiliin niya ang mga mas nakapagsilbi sa taong bayan tulad nila dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go, dating Political Adviser Secretary Francis Tolentino at dating Bureau of Corrections Chief Ronald Bato Dela Rosa.

Sinabi pa ng Pangulo na kailangan ng bansa ang mga taong katulad nila na may dedikasyon at pagmamahal sa trabaho.

Batay sa resulta ng survey ay nasa ika-14 si Go, 15 si Bato at nasa ika-17 naman si Tolentino.
Una na rin namang nagpasalamat si Go sa mga sumusuporta sa kanya at sinabing magsisilbi itong insipirasyon sa kanya upang ipakita at iparamdam ang totoong serbisyo na dapat ibigay sa taong bayan.

Facebook Comments