Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Pasay City

186

Manila, Philippines – Patay ang ang 25 anyos na si Rowell Vegas matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa P. Medina St. Pasay City bandang alas onse kagabi.

Naisugod pa siya sa Pasay City General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Batay sa kuwento ng mga residente, nakarinig sila ng sunod sunod na putok ng baril at nang silipin, nakita ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.


Tumakas ang mga hindi kinilalang suspek papuntang Arnaiz Avenue.
Walang CCTV camera sa lugar na posibleng nakahagip sa insidente.

Patuloy na inaalam ng Pasay Police ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments