Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang isang 38 taong na lalaki matapos barilin sa Brgy Commonwealth QC.

Nakilala ang biktima na si Ronald Barba isang construction worker.

Ayon sa saksi na si Rose Marie Castillo, nakarinig sya ng magkakasunod ng putok ng baril habang nag titinda ng kalamares sa Martan St.


Sa hindi kalayuan nakita nyang bumulagta ang biktima matapos tamaan ng bala sa ulo.

Nakita din ng saksi ang isang lalaki na tumatakas na may hawak na baril.

Palaisipan ang motibo sa krimen pati ang pagkakakilanlan ng gunman.

Facebook Comments