Kilabot na mamamatay tao, arestado

Valenzuela City – Arestado ang 21 taong gulang na kilabot na killer sa isinagawang operasyon ng Northern Police District sa Mac Arthur Highway Valenzuela City.

Bukod sa pagpatay, sangkot din sa iligal na droga ang suspek na si saint Mark “Em Em” Montes n syang supplier sa Bmba Caloocan.

Ayon kay PSI. Leo Tomas hepe ng DDEU ng NPD , tamang duda lagi ang suspek kung saan lahat ng bagong muka sa kanilang lugar ay pinag hihinalaan nitong asset ng pulis.


Aminado ang suspek na bago sya mahuli meron pa sana syang papatayin.

Sinasabi ng suspek na nito lamang 4 ang kanyang napatay kabilang na si Jovelyn Rodrigo dahil pawang mga sagabal sa negosyo nila sa iligal na droga.

10 libo ang puhunan ni alyas Em Em na magiging doble kapag nabenta na lahat ang mga panindang shabu.

Paliwag ng suspek pagkalam ng sikmura ang dahilan kaya sya kumapit sa pag bebenta ng shabu.

Bukod sa kanya isa pang 16 anyos na kasabwat ang nahuli ng mga awtoridad.

Facebook Comments