Kinilala ang nasawi na si Melchor Dolores, 63-taong gulang, habang ang suspek naman ay ang mismong pamangkin nito na si alyas Henry, 31-taong gulang, na kapwa residente ng naturang lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na nag-inuman pa umano ang dalawa at kalaunan ng malasing ay nauwi ito sa isang mainit na alitan.
Mas lumala pa ang away ng dalawa kung saan kumuha na ng bakal na tubo ang biktima at binantaan ang kaaway na papatayin ang tatay nito.
Nagpantig naman ang tenga ng suspek at inagaw nito ang tubo mula sa matanda at pinaghahampas ito ng tatlong beses sa ulo.
Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima na dahilan din ng agaran nitong pagkamatay.
Samantala, boluntaryo namang sumuko sa barangay ang suspek at dinala sa istasyon ng pulisya.