Higit ₱54-M, inisyal na pinsala ng sama ng panahon sa agrikultura

Sumampa na sa mahigit ₱54.7 milyon ang inisyal na pinsala nang nagdaang sama ng panahon sa ilang rehiyon sa bansa.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kabilang sa mga rehiyong nakapagtala ng pinsala ay ang MIMAROPA, Region 5 at Region 8.

Kasama sa mga nasira ay palayan, taniman ng mais, high value crops at palaisdaan.


Samantala, sa imprastraktura naman umaabot na sa ₱5.2-M ang inisyal na pinsala.

Ito ay naitala partikular sa Regions 5 at 10.

Samantala sa irigasyon naman ay nasa mahigit ₱2-M na ang pinsala mula sa Region 5.

Facebook Comments