Lalaking nakasuot ng Santa hat, binalak makipagkita sa 14-anyos para makipagtalik

Isang 68-anyos na lalaking nakabihis ng Santa hat ang nagtangkang makipagtagpo para makipagtalik sa 14-anyos na babae sa Georgia, USA.

Ngunit imbis na makita ang dalagita, sinalubong ng awtoridad ang kinilalang si Jimmy Lee Bowling na sinampahan ng attempted child molestation, pandering, sexual exploitation of a child at obscene internet contact with a minor, ayon sa ABC News.

Ayon sa Cherokee County Sheriff, bumiyahe ang lalaki mula Ellijay papuntang Canton sa pag-aakalang makakatagpo ang minor de edad na nakakausap niya umano sa internet.


Sa halip, nakatagpo ni Bowling ang Sheriff’s Office Internet Crimes Against Children unit.

Inaresto si Baker nang walang nangyaring insidente.

Photo via FOX 5 Atlanta
Facebook Comments