Lalaki, patay matapos silaban ang sarili sa Cebu

Nasawi ang isang 56-anyos na lalaki matapos nitong silaban ang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Basa, Lapu-Lapu City, Cebu.

Kinilala ang biktimang si Norman Mangubat Oyao.

Ayon sa kamag-anak ng biktima, depresyon ang nagtulak dito para paliguan ang sarili ng gaas at sinilaban ang sarili.


Agad naman rumesponde ang mga bumbero pero narekober na lamang ang sunog na katawan ng biktima.

Napag-alamang iniwan umano si Oyao ng kanyang asawa at may alitan umano ito sa kanyang kapatid.

Facebook Comments