40 Pamilya na lumikas mula sa Marawi City ginunita ang Eid al-Fitr sa Surigao City

142

40 Pamilya na lumikas mula sa Marawi City ginunita ang Eid al-Fitr sa Surigao City Ayon kay Aga Manangkiran, ang Presidente ng Surigao Muslim Association, kasama nila ang pamilyang “Bakwit” at dasal nila na sana’y may kapayapaan na at matigil ang kaguluhan sa Marawi City. Tinukoy nito, tinapos nila ang selebrasyon sa pagsisimba kahapon at pagpapakain sa kani-kanilang pamamahay na naging masaya sa kabuuan. Ang Eid al-Fitr ang isa sa malaking selebrasyon sa Muslim community sa pagtatapos ng Ramadan.

Sent from my iPhone

Facebook Comments