Lalaki, pinagnakawan ng pagkain ang dating nobya dahil sa selos

112

Arestado ang isang lalaki matapos agawan ng supot ng fast food ang dati niyang karelasyon dahil umano ayaw niya na hindi na sa kanya nanggagaling ang pagkain nito.

Hinablot ni Ervin Johnson ang Burger King meal ng kanyang ex habang naglalakad ang babae papunta sa kanyang apartment sa Texas, United States, ayon sa ulat ng KTBC.


Sinasabing nagtago sa halamanan si Johnson habang hinihintay ang biktima bago sumulpot para nakawin ang pagkain.

Tumakbo ang suspek paakyat sa kanyang kuwarto sa parehong apartment complex na inuuwian ng biktima.

Nagsumbong ang babae sa puiisya noong Enero 16, parehong araw kung kailan nangyari ang insidente.

Sinabi ng suspek na nagawa niya ang krimen dahil hindi niya matanggap na may ibang lalaki nang bumibili ng pagkain para sa dating nobya.

Nahaharap sa reklamong pagnanakaw si Johnson.




Facebook Comments