Magsasaka, Arestado sa Kasong Acts of Lasciviousness

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang magsasaka matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest nito sa Brgy. Calaocan, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Feliciano Salvador, 29 anyos, binata, at residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Delfin Albano, dinakip si Salvador matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Br.22 Cabagan Isabela para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng halagang P200,000.00.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang akusado para sa booking process.

Facebook Comments