Robin Padilla binisita ang mga sugatang sundalo sa Zamboanga City

80
Image via Philippine Army

Dinalaw ni Robin Padilla ang mga sugatang sundalo na kasalukuyang nagpapagaling sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.

Naganap ang pagbisita ni Binoe matapos samahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinasabog na kampo militar sa Indanan, Sulu noong Hunyo 28.


“Para sa akin [na] practicing Muslim at I pray 5 times a day, Allah Hu Akbar din ang sinasabi ko, pero wala akong terorismo sa katawan,” sabi ni Padilla sa mga biktimang sundalo.

Inanunsyo din ng aktor ang planong pagsali sa Philippine Army Reserve Force. Hindi pa nilalahad ni Padilla kung kailan magsisimula ang kanyang military training.

Matapos ang pagbisita, siya ay makikipagpulong sa mga Islamic leaders upang talakayin ang importansya ng Islamic teachings.

Facebook Comments

From Advertisers