Lalaki, sumabit sa harapan ng umaandar na tren sa Australia

Australia – Arestado ang isang 23-anyos na lalaki matapos sumabit sa harapan ng tren habang ito ay umaandar.
Sa viral video, makikita ang lalaki na nakasabit sa rear ng tren na may bilis na 110 kilometers per hour.
Ayon sa Public Transport Authority (PTA) Spokesperson David Hynes, hawak-hawak lamang ng lalaki ay ang windshield wiper at babagsakan nito ang riles na posibleng ikamatay nito.
Nang dumating sa kasunod na istasyon ay agad na hinuli ang lalaki at ikinulong.
Ito ang pinakaunang ulat ng ‘train surfing’ sa kanilang lugar.

Facebook Comments