Lalaki tinaga ang sariling tiyuhin matapos ang tangkang pagsasamantala sa kinakasama nito

157

Aguilar, Pangasinan – Pinagtataga ng suspek na si Acxel Lomibao ang sariling tiyuhin nito matapos na maaktuhang ang tangkang pagsasamantala ng kanyang sariling tiyuhin sa kanyang kinakasama nito sa Dike 1 Brgy. Baybay, Aguilar Pangasinan.

Sa imbestigasyon lumalabas na nadatnan umano ni Lomibao ang tiyuhin na nakilalang si Reynaldo Peralta sa di umanoy pangmomolestiya sa kanyang kinakasama sa harap ng kanilang dalawang taong gulang na anak.


Sa galit ng suspek ay hindi na ito nakapagpigil at kumuha ng itak at tinaga ng dalawang beses ang tiyuhin na nagtamo ng sugat sa likurang bahagi ng katawan nito. Itinakbo namang ng kanilang kaanak sa Lingayen District Hospital ang biktima at kusang sumuko ang suspek sa himpilan ng PNP Aguilar na nakaditene na ngayon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers