Lalaking bibili lang sana ng yelo, pinagsasaksak

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaking suspek sa pananaksak sa lalaking bibili lang ng yelo sa Sta. Cruz, Maynila.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Sta. Cruz Police, naglalakad ang biktimang si Ernesto Mayoral Jr. sa Oroquieta street nang lapitan niya ang suspek na si Eddie Labong para magtanong kung saan may mabibilhan ng yelo.
Sa hindi malamang dahilan, bumunot ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.
Agad na isinugod sa ospital si Mayoral at nasa mabuti nang kalagayan habang mabilis naman nadakip ang suspek at narekober sa kaniya ang kustilyong ginamit na may habang siyam na pulgada.

Facebook Comments