South East Asian Youth Championships 2019, Papangunahan ng City of Ilagan!

Ilagan City, Isabela- Muling itinalaga ang Lungsod ng Ilagan bilang punong-abala sa gaganaping South East Asian Youth Athletics Championships sa taong 2019.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Dr. Philip Ella Juico, ang Presidente ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa kanyang nagging pahayag sa unang araw ng pagbubukas ng Ayala Philippine Athletic Championships noong Mayo bente nuwebe na kasalukuyang ginaganap pa rin ngayon sa lungsod ng Ilagan.

Aniya, umaasa umano ito na marami pang darating na panahon na makakasama ang mga Ilaguenos maging ang mga Isabelino at mga kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at sa ibayong dagat.


Samantala, Binigyang diin naman ni City Mayor Evelyn C. Diaz, ang kahalagahan ng Palaro dahil sa nabubuong pagkakaisa at pagkakaibigan ng mga pinoy sa ibang bansa.

Ayon naman sa pahayag ni Hon. Jose Marie L. Diaz, ang Over-all Coordinator ng Lungsod ng Cauayan, aniya, marami pa umanong oportunidad ang darating sa kanilang lungsod at hindi pa umano ito ang huling paghahawak nila ng mga Palaro.

Facebook Comments