Lalaking ginagahasa ang hipag kapag nakadroga, arestado

3975

Nahuli ang isang lalaki mula Calauan, Laguna matapos magreklamo ang kanyang hipag sa panggagahasa at pananakit sa tuwing nakakadroga ito.

Nitong Biyernes ay inaresto ang suspek sa naturang lugar nang maglakas-loob ang biktima na magsumbong sa pulisya tungkol sa nasabing pananakit.


Ayon sa biktima, tatlong beses raw siyang hinalay ng bayaw ngunit hindi niya magawang magsumbong dahil sa kalayuan ng kanilang lugar sa bayan.

Ngunit batay sa pahayag ng suspek, nagbabayad umano siya ng 50.00 sa tuwing may nangyayari sa kanilang dalawa.

Nahaharap naman sa kasong rape at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Facebook Comments

From Advertisers