Resolusyon na Papalit sa Yumaong Konsehal ng Lungsod ng Cauayan, Inihain na!

155

Cauayan City, Isabela- Inihain na sa Sangguniang Panlungsod ng Cauayan ang isang resolusyon para sa papalit sa yumaong konsehal ng Lungsod na si Rene Uy.

Una rito, napagkasunduan ng legislative body ang naging rekomendasyon ni City Councilor Cynthia Uy-Balayan na hahalili sa nabakanteng posisyon ng yumaong konsehal.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Coun. Uy, napagkasunduan ng pamilya Uy na ang ipapalit ay ang nakaupong Barangay Kagawad ng District 1 at pangalawa rin nitong anak na si Ariel Kenneth Uy.

Ayon pa kay Coun. Uy, noong nabubuhay pa si SP Rene ay napag uusapan na umano ito kung sakali man na matapos ang kanyang termino.

Inaasahan naman na isa itong malaking hamon para kay Ariel Kenneth Uy na ngayon ay pino-proseso na ang nasabing resolusyon bago ang pinal na pag-upo nito sa konseho.

Facebook Comments

From Advertisers