Lalaking lumabag sa lockdown, kinain ng buwaya; 2 iba pa, binaril ng pulis sa Africa

Alamy

Sawi sa atake ng buwaya ang isang residenteng lumabag sa ipinatupad na lockdown para umano mangisda, habang dalawang iba pa ang pinatay naman ng pulis sa Rwanda, East Africa.

Ayon sa pahayag sa BBC ni Kamonyi district Mayor Alice Kayitesi, nangyari ang pag-atake ng hayop sa ilog sa Nyabarongo nitong Miyerkules, Marso 25.

“He had broken the stay-home rule, he’s among very few people here who are not cooperating with the lockdown to stop the [corona]virus,” anang mayor.


Nakapailalim sa dalawang linggong lockdown mula noong Marso 21 ang Rwanda na mayroon na ngayong 50 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng patakaran, ipinasara ang maraming establisyimento, at ipinagbawal ang paglabas sa bahay kung hindi kinakailangan.

Kaugnay nito, dalawang binata ang binaril ng Rwanda police matapos sumuway sa lockdown.

Tinangka rin umano ng dalawa na makipagbuno sa mga awtoridad, ayon sa pahayag ni Rwanda National Police spokesperson John Bosco Kabera.

Facebook Comments