Lalaking menor de edad, dinukot sa Taft, Maynila

229

Kinumpirma ng Manila Police District ang pagdukot sa isang lalaking menor de edad  kaninang bago mag alas-dyes sa kanto ng Taft Avenue at Padre Faura, Maynila.

 

 

Batay sa CCTV footage ng Barangay 676 zone 73, makikita ang isang Ford Ranger sa bahagi ng Padre Faura corner Taft Avenue, dakong 9:06 ng umaga ng Martes.


 

Ilang sandali lamang ay may bumabang lalaking naka-pula, na hinila ang isang lalaking naka-itim na pasakay sana ng jeep.

 

Gumilid pa ang dalawa at nagkaroon ng komosyon at nagtakbuhan ang mga tao sa lugar makaraang makarinig ng putok ng baril.

 

Isinakay ng mga suspek ang lalaking naka-itim na damit sa Ford Ranger at mabilis na umalis.

 

Gayunman, sinabi ni Police Col. Igmideo Bernaldez na hindi pa nila maituturing na abduction ang nangyari, dahil sa ngayon ay wala pang nagrereklamo o complainant.

 

Wala ring plaka ang Ford Ranger. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Facebook Comments

From Advertisers