
Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng mga operatiba ang isang lalaking miyembro ng communist terrorist group na New People’s Army Terrorist Squad matapos ang kinasang manhunt operation sa Brgy. Baang, Mobo, Masbate.
Kinilala ang suspek na si alyas Danilo at tinagurian ding no. 2 Regional Most Wanted Person ng Bicol Region.
Ayon sa ulat, intensyon umanong patayin ng suspek, kasama ng dalawa pang akusado, ang isang lalaki kung saan inatake at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na nagdulot ng kanyang pagkamatay.
Ginamit sa pagpaslang sa biktima ang isang 45 Calibre na baril.
Dahil dito, ang nasabing suspek ay binigyan ng Warrant of Arrest sa kasong murder.
Samantala, tiniyak naman ng CIDG na lalo nitong pagtitibayin ang batas at huhulihin ang mga kriminal, wanted persons, at mga pugante sa buong bansa.









