LALAKING NAG-OOPERATE NG DROPBALL, BISTADO SA SAN CARLOS CITY

Arestado ang isang 42 anyos na lalaki matapos itong mapag-alamang nag-ooperate ng isang dropball game sa San Carlos City. Nahuli ito ng awtoridad habang nangongolekta pa ng mga tinatayang pera.

Nakuha mula rito ang isang Tambiolo, tatlong dropping ball, apat na gaming boards at dalawang tray na pinaglalagyan ng mga perang pantaya.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa San Carlos City Police Station PIO PCpt. Mendoza, naaresto ito bagamat nakalaya rin matapos magpyansa, dahil tauhan lang din sa laro.

Hanggang sa kasalukuyan, ito pa lamang umano ang nahuhuling dropball game sa lungsod. Mahigpit na ipinagbabawal ang illegal gambling sa ilalim ng RA 9287 at PD 1602. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments