Kasabay ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan, idinaos ang taunang Buntis Day, upang magbigay serbisyo para sa mga expectant mothers sa syudad ng Dagupan.
241 na buntis ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal gaya ng prenatal check-up, laboratory tests, Tetanus Diphtheria vaccine, at libreng supplemental vitamins.
Kita sa mata ng mga nag gagandahang ginang ang galak na mabigyan sila ng ganitong serbisyo upang matutukan ang kanilang over-all health habang nagdadalang tao.
Kabilang din sa Buntis Day ang pagkakaroon ng pagtalakay sa mga mahahalagang paksa tungkol sa pagbubuntis gaya na lang ng importansya ng regular na prenatal check-ups, maternal nutrition, at ang tinatawag na first 1,000 days of life ni baby pagkasilang nito.
Sa mga ganitong programa, nagkakaroon ng tamang kaalaman ang mga expectant mommies lalo na ang mga nagbubuntis sa unang pagkakataon, sa kung paano alagaan ang kanilang sarili habang buntis at si baby paglabas nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨