Sapul sa close-circuit television (CCTV) camera ang pagtakas ng isang motorista matapos magpa-full tank ng kaniyang sasakyan noong araw ng undas.
Kuwento ng gasoline boy na si Eon Zuñiga, nagparkaga ng petrolyo ang lalaki na umabot sa P1000.
Nang sisingil niya na ang drayber, bigla itong nag-abot ng tatlong paperbag na may lamang pagkain.
“Sabi niya pahawak saglit pare kunin ko lang wallet ko after niyang maiabot ung mga item,” saad ni Zuñiga sa kaniyang Facebook post.
Makalipas ang ilang segundo, sinabi daw ng tsuper na naiwan niya ang wallet niya sa isang fastfood chain at dali-daling humarurot.
Ayon pa sa trabahador, malaking bagay sa kaniya ang perang hindi ibinayad ng motorista.
“Nagtatrabaho ng maayos tapos babanatan mo ko ng modus mo may karma yan sir,” giit pa niya.
Batay sa post ni Zuñiga, naganap ang insidente dakong alas-4:20 ng umaga sa Unioil gasoline station, lungsod ng Las Piñas.
Isinapubliko ng pump attendant ang naturang footage para magsilbing babala sa publiko.